Bacolod, City of Smile kung tawagin sa lalawigan ng Negros Occidental. Sa bansag pa lang sa lugar na ito ay masasabi na nating masayahin ang mga tao rito. Mayroon silang mayamang kultura na maaari nating maipagmalaki sa buong mundo. Halina’t ating pasyalan ang Bacolod at ang makasaysayang nakaraan nito.
Mula Manila hanggang Bacolod, kailangan mong sumakay ng eroplano . Humigit-kumulang limampu lima minuto (55mins) ang biyahe papunta ng dito. Pero kung gusto ninyong subukan ang barko, puwede rin, kaya nga lang ay maaari kayong abutin ng dalampu dalawang oras (22hrs).
Mula sa Silay Airport , nagtungo kami sa Balay Negrense (Silay). Ang Balay Negrense ay kilala rin sa tawag na Negrense House. Ito ay itinayo noong 1897 na pag-aari ni Victory F. Gaston. Marami ang namamangha sa mga architecture at uri nga pamumuhay ng mga sinaunang residente rito. May naikuwento pa sa amin ang isa sa aming guide na may mga pagkakataon daw na may mga nagpaparamdam dito. Katabing bahay lang ng Balay Negrense ang HOFILEÑA ANCESTRAL HOUSE (1934). Ito lang ang resident museum dito sa Silay, meaning dito pa rin nakatira ang may-ari. Ito ay nasa pangangalaga ni Mr. Ramon Hofileña. Dito rin matatagpuan ang kauna-unahang wooden carving printing na gawa ni Mr. Ramon Hofileña. Ilang hakbang lamang ay makikita na natin ang THE CHURCH OF SAN DIEGO (1927). Mula sa Silay pumunta naman kami sa Talisay. Marami rin ditong makikitang mga historical place katulad ng
The Ruins. Ang The Ruins ay sinimulang itayo noong 1 900 bilang simbulo ng pag-ibig ni Don Mariano Ledesma Lacson sa kayang asawang si Maria Braga na isang Portuguese. Bago matapos ang mansion na simbulo nang pagmamahalan nila ay binawian ng buhay si Maria Braga sa panganganak. Sa bawat haligi ng mansiong ito, may inisiyal na MM para sa mag-asawang Maria at Mariano. Ang palitada nito ay pinaghalong itlog at semento kaya kung hahawakan mo ay mapagkakamalang mong marmol ito at kapag tinamaan na ito ng sinag ng araw ay nagkukulay ginto.
Ang Centennial Belfry sa San Sebastian Church na makikita sa Bacolod ay isa rin sa pinaka-kahanga-hangang istruktura . Sa Bacolod din sikat ang Chicken Country Kung saan kaliwa’tkanan ang inasalan, at ang Negros Museum . Mambukal is a 45-minute drive mula Bacolod City ito ay nasa bayan ng Murcia, mayron silang 7 waterfalls.
A salute to the chef (food trip) The restaurant started 1999 By Executive Chef Joseph Yap and wife Daya Yap, the couple behind the successful restaurant in Bacolod, THE CHEF. The Chef offers an international variety of tasty dishes like Stuffed Baby Lapu-lapu in Mango Sauce and Pesto, Mixed Grill Nebraska, Seafood Carnival with shrimp butter Sauce and Almond Tuilles. The Chef is open everyday to serve and satisfy the craving customer. With the endless surprises that The CHEF has, surely you will crave for their delicious array of dishes taste plus their world class service. They have three branches in Bacolod located at Palmas del Mar, Luxur Place and a mini branch in Transcom. For more info feel free to contact them at 0935-9611111 / (03) 433-5017 / 434-7971-72.
 |
Balay Negrense
|
 |
The Ruins in Silay
|
 |
HOFILEÑA ANCESTRAL HOUSE
|
 |
Toys in Negros Museum
|
 |
Old train in sugar mill
|
 |
Executive Chef Joseph Yap
of THE CHEF
|
.jpg) |
Masscara parade |
.jpg) |
Masscara on sale |
.jpg) |
Night Street Party |
.jpg) |
Food trip
|