Martes, Oktubre 8, 2013

Treasures of Bolinao

ANG Bolinao ay pinakadulong bayan ng Pangasinan. Mula Metro Manila ay
mahigit lima hanggang anim na oras ang aming binaybay para lamang makita ang itinuturing na little Boracay ng Pangasinan.

Una naming pinuntahan ang Tara Falls na matatagpuan sa Samang Norte, napakaganda nito at sadyang nakabibighani ang tanawin.
Sunod naming dinayo ang ipinagmamalaking ilog ng mga taga- Bolinao, ang Balingasay River, na sobrang linis at ang sarap lumangoy dito. Bukod sa ilog at falls may tatlong kuweba dito na dinarayo ng mga tourist dahil sa angking ganda at mga kakaibang kuwento ukol sa mga pangalan nito. Enchanted Cave, ito ang unang kuweba na madadaanan o makikita mo. Sa kuweba na ito masasabi kong masyado na itong na-develop at tourist friendly samantalang ang Wonderful Cave ay parang di gaanong develop pero maganda pa rin ito at kulay asul ang tubig. Ang pangatlo ay Cindy Cave na siyang bunso o huling na diskubre.
Samantala, ang Cape Bolinao Lighthouse ang pangalawang pinakamataas na lighthouse sa Pilipinas, sumunod ito sa Cape Bojeador na matatagpuan sa Ilocos Norte.
At ang pinakahuli naming pinasyalan ay ang Patar Beach­, ipinagmamalaki ng nasabing lugar ang beach na ito dahil itinuturing nila itong little Boracay. May habang 2-3 kilometro ito at ang kaibahan daw nito sa Boracay ay  walang ingay at purong kalikasan ang makikita mo rito. Naging paboritong lokasyon na rin ng mga commercial shoots ang Bolinao dahil sa nakamamanghang tanawin dito.
Ang Bolinao ay tanyag din sa dalawang lighthouse na mayroon dito. Isa sa mga ito ay ang Cape Bolinao Lighthouse, ang pinakamataas na lighthouse sa buong bansa. Ang pangalan ng lugar na ito ay ipinapalagay na hango sa tatlong kuwento: ang una ay ang presensya ng napakaraming puno ng Pamulinawen sa lugar; ang ikalawa ay ang napakaraming isdang Bolinao ang pangalan; at ang pangatlo ay ang magkasintahang Bolido at Anao.
Matatagpuan din sa Bolinao ang napakaraming kweba, talon, at iba pang magagandang tanawin na siya namang dahilan kung bakit napakaraming dumarayo sa lugar na ito.
Sumunod naming dinayo ang lugar ng Pozzorubio. Ang Pozzorubio, bago ito naging isang bayan, ay isang sitio ng bayan ng San Jacinto. Ayon sa ilan, ang pag-aangat nito mula sa pagiging sitio tungo sa pagiging isang bayan ay upang matigil umano ang mga ilegal na gawain at kalapastanganan ng mga Igorot sa Pozzorubio. Ang pangalan ng bayang ito ay nagmula sa dalawang surveyor ng lugar na nagkataong nananghalian sa isang malapit na balon. Dahil sa sobrang linis na mistulang ruby ang tubig sa balon, namangha ang mga surveyor at binansagan ang naturang lugar na pozo rubio.
Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa kalikasan. Dahil dito, hindi na nakapagtataka kung marami man sa mga bayan at lugar sa ating bansa ay naipangalan sa kalikasan. Ang ating bansa at kultura ay malapit sa tubig kaya maraming pangalan ng lugar sa atin ang hango at may kaugnayan sa tubig.n
Tara Falls

Wonderful Cave

Cape Bolinao Lighthouse

Patar Beach

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento